Home / Events / Buwan Ng WikangPambansa 2025 08

ICI-College Events

Buwan Ng Wikang Pambansa 2025

Puno ng talento, sigla, at pagmamahal sa sariling wika ang naging programa noong Agosto 29.

Ipinakita ng mga kalahok ang kanilang husay sa pamamagitan ng masining na pagbigkas ng mga tula na sumasalamin sa damdaming makabayan, gayundin ang pag-awit ng mga kundiman na pumukaw sa puso ng bawat nakikinig.
Hindi rin nagpahuli ang mga katutubong sayaw na nagbigay-buhay sa yaman ng ating kultura at kasaysayan.

Naging kapana-panabik din ang mga talumpati at tagisan ng talino na nagpakita ng talas ng isip at galing ng mga mag-aaral.